NU Fairview Buwan ng Wika 2025

  

Bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Buwan ng Wika 2025, ang NU Fairview ay nagsagawa ng iba’t ibang makabuluhang aktibidad na naglalayong ipakita at iparamdam ang kahalagahan ng wikang pambansa sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang pagdiriwang na ito ay nagpapatunay na ang wikang pambansa ay hindi lamang kasangkapan sa komunikasyon, kundi isa ring mahalagang susi sa pagkakaisa, kaunlaran, at pagpapanatili ng ating kultura at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.